Naisip mo na ba na magtrabaho sa Japan?
Milyon milyong Pilipino ang nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa, at isa ang Japan sa mga bansang gusto puntahan ng mga Pinoy bilang manggagawa.
Masayang magtrabaho sa Japan kahit na maraming pagsubok. Tinatayang may higit 300,000 na mga Pilipino ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Japan, karamihan sa kanila ay mga teachers, engineers, hotel staff, caregivers, at mga IT progessionals. Patuloy din naman dumadami ang mga nagtatrabaho sa marine, at food and entertainment industry.
Unawain natin ang kanilang kultura.
1. Sariling wika ang karaniwang ginagawamit ng mga Japanese, hindi English
1. Sariling wika ang karaniwang ginagawamit ng mga Japanese, hindi English
Bago tumanggap ng trabaho sa Japan, kakailanganin mo mag-aral ng salitang Hapon dahil iilan lamang sa kanila ang nakakaintindi ng English lalo na ang mga tradisyonal na Hapon. Mahirap ba matutunan ang wikang Hapon? Ang totoo, napakahirap. Pero tulad ng pag-aaral ng English, kung pagsisikapan mo at palagi mo gagamitin ang salitang Hapon ay madali ka rin matututo at malaon ay masasanay ka rin sa paggamit ng kanilang wika.
2. Displina ang susi sa lahat ng bagay.
Ang Japan ay isa sa mga First World Countries sa mundo, ang pangunahing dahilan kung bakit sila nasa posisyon na ito ay ang matinding disiplina. Maaaring ang pagkakakilala ng marami sa mga Hapon ay mahigpit, totoong mahigpit sila, pero para sa kanila ang tawag dito ay displina. Dahil sa displina ay napapanatili nilang napakalinis ng kanilang paligid at ligtas para sa lahat. Laging silang nagtitiyaga sa pila, pumipila sila ng matagal at hindi nag-aatubili kahit nagmamadali. Kaya, kung sakali na makapunta ka sa Japan, siguraduhin na marunong ka makibagay sa kanilang mga tuntunin. Ang katamaran ay wala sa kanilang bokabularyo, kaya laging tapusin ang trabaho.
3. Mahalaga ang oras.
Alam mo ba na ang mga tren sa Japan ay dumadating at umaalis nang sakto lagi sa oras? Kapag may sira ang mga tren, ang mga tauhan ay namimigay kaagad ng delay certificate - bilang paghingi ng paumanhin na maaari mo ipakita sa iyong boss pagdating mo sa opisina, o sa iyong guro pagdating mo sa school. Kung bago ka sa Japan, mahalaga na alamin ang tamang schedule ng tren kung saan ka man manggagaling at saan ka papunta. Kung may mahalagang meeting ka na pupuntahan, kailangan dumating ka ng maaga, ang sakto sa oras ay late. Ayaw nang mga Japanese na nalelate. Kaya kung ayaw mo mapahamak sa trabaho, maging takda lagi sa oras.
4. Laging may nararanasan na lindol halos araw araw.
Kamakailan, gumalaw na naman ang lupa sa Japan. Karaniwan na ang malalakas at mahihinang lindol sa kanila at bahagi na ito ng kanilang buhay. Kung unang sabak mo pa lang sa Japan, maaari ka magulilat sa mga maliliit na lindol. Pangkariwan na ang ganitong pangyayari sa Japan, kaya dapat masanay ka na lang.
5. Ang pagiging tapat ay pangunahing patakaran.
Kapag may nawala kang gamit, maghintay ka lang at hindi malayong may magbabalik nito sayo. Maraming mga nawawalang bagay ang isinasauli sa mga tanggapan ng "lost and found" o sa himpilan ng pulis. Noong makaranas ang Japan ng malakas na lindol at tsunami, may mga safety boxes at pitaka ang naibalik sa mga tunay na may-ari nito.
Sa mga opisina, maaari ka makakita ng tindahan ng pagkain na may kahon. Para saan ang kahon? Dito mo ilalagay ang iyong bayad para sa anumang nakain mo galing sa tindahan. Kaya ang Japan ay pinupuri sa buong mundo dahil sa kanilang katapatan.
Source: 5 Things OFWs Need To Know Before Working in Japan by JapanOFW.com
Photo Credit: BusinessMirror
Kenshin Hako Cargo Services
Balikbayan Box | Japan to Philippines
Door-To-Door Delivery Service
Mabilis! Maaasahan! Mapagkakatiwalaan!
Contact Details
Website
Messenger
Youtube
Viber
Comments
Post a Comment