Shipment and Arrival Schedule 2024-2025

Narito ang schedule ng departure at arrival ng mga shipment simula ngayong 2024 para maging gabay ng aming mga tagatangkilik sa pagpapadala ng Balikbayan Box. Kasama na sa schedule na ito ang maaaring pagkaantala ng mga shipment dahil sa port congestion na inaasahan tuwing panahon ng kapaskuhan. 

Pakatandaan na may posibilidad na madagdagan o mabawasan ang delay na epekto ng port congestion sa shipment tuwing peak season at depende sa sitwasyon mga di inaasahan na pangyayari. Ang schedule na ito ay hindi garantisado dahil sa minsanang pagkakataon na hindi umaabot sa cutoff ng container ang iyong box lalo't huli na ito dumating sa warehouse.

Tandaan, Thursday ang cutoff ng shipment, dapat Thursday pa lang ay NASA WAREHOUSE na ang box para makasama sa Tuesday shipment ng susunod na linggo. Kung ikaw ay malayo sa Tokyo, ibig sabihin, dapat magpapickup ka na 2 or 3 days bago ang Thursday cutoff para siguradong makakasama ang iyong box sa shipment ng Tuesday.
Paalala na ang schedule na ito ay maaaring magbago at hindi lubos na garantiya base sa limitasyon ng bilang ng kahon na kasya sa loob ng container. Kung ang iyong kahon ay hindi umabot sa limitasyon na ito, ang iyong kahon ay maaaring mapasama sa shipment ng susunod na Martes. Ang aming kumpanya at nagpapalabas ng sampu hanggang labinlimang 40-foot na containers tuwing Martes, kung kaya't ang posibilidad na hindi mapasama ang iyong kahon ay maliit lamang, subalit maaari pa rin mangyari.

Maliban dito, mahalaga na tandaan ma ang karaniwan na schedule ng shipment ay tuwing Martes at maaari lamang mabago ayon sa hindi inaasahang mga pagkakataon tulad ng mga bagyo, trahedya, limitasyon, lingguhang cutoff, at iba pa.

Ang ating lingguhan na cutoff ay tuwing Huwebes, kailangan ang iyong kahon ay natanggap na sa ating Tokyo warehouse upang makasama sa shipment ng Martes. Kung ang iyong kahon ay hindi aabot sa cutoff na ito, ang iyong box ay makakasama sa shipment ng susunod na Martes. Ang pagdating ng iyong kahon sa ating Tokyo warehouse ay naaayon sa bilis ng transport ng ating mga trucking contractors na nagdadala ng mga kahon sa ating warehouse.

(If the schedule below doesn't show, please click HERE to view with your browser.)


Delivery Time Frame

(From Date of Arrival in Manila)

MANILA - 3-5 Days
LUZON - 5-10 Days
VISAYAS- 15-20 Days
MINDANAO - 15-20 Days
BUTUAN - 20-25 Days
MISAMIS - 20-25 Days
CAGAYAN DE ORO - 20-25 Days
ZAMBOANGA - 20-25 Days
DIPOLOG - 20-25 Days
BOHOL - 20-25 Days


Kenshin Hako
Balikbayan Box | Japan to Philippines
Door-To-Door Delivery Service
Mabilis! Maaasahan! Mapagkakatiwalaan!

Contact Details

Website
Facebook
Messenger
Youtube
Viber
Email

#KenshinHako #Balikbayan #Box #DoorToDoor #BalikbayanBox #Japan #Pinas #Philippines #Kenshin #Hako #Cargo

Comments

Facebook