KONBINI Payment is Now AVAILABLE



Simula 20 September 2019 ay maaari na magbayad ng inyong Balikbayan Box sa mga Convenient Stores saan man lugar sa Japan.

Ito po ay applicable lamang sa mga bagong order ng carton simula SEPTEMBER 20. Paglilinaw lamang po na required pa rin ang pagbabayad ng Partial Payment Cash On Delivery kapag nagorder ng carton, pero ang balanse ay maaari na ninyo bayaran sa pamamagitan ng Konbini kapag ipapapickup niyo na. Pagdeliver ng carton sa iyong bahay ay may kasama na itong Konbini Slip kung saan nakasulat ang inyong pangalan, halaga ng babayaran at control number, ang papel na ito ang dadalhin ninyo sa anumang convenient stores upang bayaran.

Sa mga customers naman na nag-order ng carton bago ang 20 September, maaari pa rin ninyo bayaran ang balanse sa Japan Post or Credit/Debit Card Online. Pero sa mga susunod ninyong order ay may kasama na rin ito na Konbini Slip.

Ang Konbini ay isa sa pinakamadaling paraan ng pagbabayad ng cash para sa inyong Balikbayan Box para sa mga customers na walang bank account or credit card. Kaya, para sa patuloy na pagpapaganda ng aming serbisyo at dedikasyon sa aming mga kababayan, ang Konbini Payment ay aming paraan ng pagbibigay ng ginhawa at malasakit sa lahat ng aming mga tagatangkilik.

Maraming salamat po!





Kenshin Hako Cargo Services
Balikbayan Box | Japan to Philippines
Door-To-Door Delivery Service
Mabilis! Maaasahan! Mapagkakatiwalaan!

Contact Details

Website
Facebook
Messenger
Youtube
Viber
Email

#KenshinHako #Balikbayan #Box #DoorToDoor #BalikbayanBox #Japan #Pinas #Philippines #Kenshin #Hako #Cargo


Comments

Instagram