Additional ¥100 Para sa Sagawa Delivery Fee
Nais po namin ipaalam sa lahat na ang Sagawa ay nagpatupad ng dagdag na ¥100 sa kanilang delivery fee na dating ¥780 ngayon po ay magiging ¥880 simula May 1, 2018.
Pero, hindi po ninyo ito dapat ipag-alala dahil babalikatin ng Kenshin Hako ang dagdag na ¥100 at ibabawas po namin ito sa total price kapag kayo ay nagpapickup na, kaya hindi po namin ito ipapataw sa aming mga tagatangkilik. Sa madaling salita, wala po magiging pagbabago sa presyo ng aming mga balikbayan box. Ang mapapansin niyo lang ay mas mataas ng ¥100 ang Partial Payment kapag nagpadeliver ng carton at mas mababa naman po ng ¥100 ang balanse na inyong babayaran kapag nagpapickup na.
Halimbawa, kung kayo ay magpapadala ng Jumbo Box to Manila, ito po ang magiging kaibahan ng bagong preso sa dating presyo.
Para sa mga orders na full payment upon delivery (COD) ay walang mapapansin na pagbabago.
Para sa mga orders na full payment upon delivery (COD) ay walang mapapansin na pagbabago.
Para sa mga agents, dahil ang minimum na order ay 5 cartons, ang ¥100 ay hahatiin sa limang carton. Ibig sabihin ¥20 ang ibabawas sa shipping charge ng bawat carton.
Kung mayroon kayo paglilinaw o katanungan tungkol sa pagbabagong ito, mag-chat lang po sa customer service sa www.kenshinhako.com o bumisita sa aming Facebook page https://fb.com/kenshinhako.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik at makakaasa po kayo sa aming patuloy na malasakit sa aming mga kababayan.
Kenshin Hako Cargo Services
Comments
Post a Comment