Dahil po sa pagtataas ng presyo ng Sagawa ay hindi na po maiiwasan ang pagtataas ng presyo ng ating mga Balikbayan Boxes.
Bagama't may ilang kumpanya na ng Balikbayan Box sa Japan ang tuluyan ng nagsara, pagtuloy po ang Kenshin Hako na nagsisikap upang magbigay ng sulit at kalidad na serbisyo sa aming mga kababayan.
Kaalinsabay ng pagtataas ng presyo ng Sagawa ay ang pagbabago sa weight limit ng Regular Box at ng Twin Box. Ang weight limit ng Regular Box po ay magiging 30Kg na lang at ang Twin Box ay magiging 60Kg naman. Mananatili naman po na 50Kg ang limit ng Jumbo Box sa mga lugar na walang "No Weight Limit". Ang mga pagbabagong ito ay ating sinikap na idaan sa negosasyon sa Sagawa, subalit ito na po ang kanilang huling desisyon.
Ang mga pagbabagong ito ay ipapatupad sa mga carton delivery at pickup simula October 25, 2024 - Friday. Narito po ang mga dapat tandaan:
- Para sa mga delivered na carton bago ang October 25 at fully paid na upon delivery, hindi ito apektado ng pagtataas ng presyo.
- Sa mga magpapapickup naman ng boxes bago ang October 25, hindi rin ito apektado ng pagtataas ng presyo.
- Kung ang box ay partial payment lang bago ang October 25, bagong rates na ang mag-aapply kung magpapapickup simula October 25.
- Tandaan hindi po araw ng pag-submit ng form ang susundin kundi ang petsa ng delivery at ng pickup.
Hiling po namin ang kaunawaan ng lahat at umasa kayo na patuloy kami maglilingkod at magbibigya ng Mabilis, Maaasahan, at Mapagkakatiwalaan na serbisyo.
Maraming salamat po!
Para sa Rate Quotation sa iyong probinsya, tingnan ang price list sa ibaba o maaari din gamitin ang Rates Calculator sa aming website. (Rates Calculator https://kenshinhako.com/jp/ratesjp/)
KENSHIN HAKO BALIKBAYAN BOX
ORDERS and PICK UP
🔸https://kenshinhako.com/jp/requestjp
LEARN MORE 📦
🔸Visit Website: https://www.kenshinhako.com
Message us on
🔸FB: https://m.me/kenshinhako
🔸Viber: viber://pa?chatURI=kenshinhakocs
🔸LINE: https://line.me/R/ti/p/@733qihae
Call Us 📞
JP Landline: +81 50 5846 6350
JP Keitai: +81 80 4806 1112
#KenshinHako #Balikbayan #Box #DoorToDoor #BalikbayanBox #Japan #Pinas #Philippines #Kenshin #Hako #Cargo #DeliveryService #FreightForwarding #Padala #Pasabuy #Pabili
Comments
Post a Comment