Typhoon Hagibis Alert - Balikbayan Box Delivery and Pickup Advisory

Typhoon Hagibis Alert - Balikbayan Box Delivery and Pick Up Advisory


Dahil po sa inaasahang pagdating ng Super Typhoon Hagibis sa Japan simula Sabado na inaasahang magtatagal hanggang Lunes (12-14 October 2019), lahat po ng nakaschedule na delivery ng carton at pick up sa Sagawa at Private Trucking sa mga araw na ito ay mare-rescheduled.


Sagawa Delivery and Pick Up


Ang mga carton delivery at pick up ng Sagawa na nakaschedule ng Sabado, Linggo, at Lunes ay inililipat sa Martes, 15 October 2019, sa parehong oras ng orihinal na schedule.

Private Trucking Pick Up

Ang lahat ng pick up ng Private Trucking na nakaschedule sa Sabado, Linggo, at Lunes sa mga No Weight Limit areas, ay ililipat sa susunod na araw ng schedule ng pick up sa inyong lugar.




Makikipag-ugnayan po ang aming Customer Service sa lahat ng mga customers na apektado upang kayo ay maabisuhan at mareschedule ang delivery at pickup ng inyong mga kahon sa araw na mas maginhawa sa inyo.


Hinihintay pa po natin ang desisyon ng mga tagapamahala hinggil naman sa magiging estado ng papaalis na shipment ngayong Martes,  15 October 2019. Atabayanan po ang mga susunod naming abiso patungkol sa mga pagbabago ng schedule na ito sa mga susunod na araw.

Kung kayo po ay may mga katanungan o paglilinaw, makipag-ugnayan lamang po sa aming Customer Service sa sumusunod na mga paraan.

Customer Service
Messenger: https://m.me/kenshinhako
Phone: +81 50 5846 6350
Email: customerservice@kenshinhako.com




Kenshin Hako Cargo Services
Balikbayan Box | Japan to Philippines
Door-To-Door Delivery Service
Mabilis! Maaasahan! Mapagkakatiwalaan!

Contact Details

Website
Facebook
Messenger
Youtube
Viber
Email

#KenshinHako #Balikbayan #Box #DoorToDoor #BalikbayanBox #Japan #Pinas #Philippines #Kenshin #Hako #Cargo

Comments

Instagram