Mga Sanhi ng Pagkaantala ng Balikbayan Boxes ngayong BER Months 2021

 

Ngayon papalapit na naman ang Kapaskuhan, lalo't nasa panahon tayo ngayon ng pandemya, higit natin na inaasahan ang pagbaha ng mga padalang balikbayan boxes mula sa iba't ibang panig ng mundo para sa mga mahal nating pamilya sa Pilipinas. Karamihan sa ating mga kababayan ay hindi na muna nagpaplanong umuwi sa Pinas dahil sa mahigpit na restrictions sa mga pumapasok sa bansa bilang pag-iingat sa Covid19, kung kaya mas pinipili na lang nila na magpadala ng balikbayan box kaysa umuwi. Narito ang ilan sa mga inaasahan nating magiging sanhi ng pagkaantala sa delivery ng balikbayan boxes ngayong taon.

1. Pagpasok pa lamang ng buwan ng Oktubre ay nagsisimula na ang pagsikip sa pier sa Pilipinas o yung tinatawag natin na port congestion sa Port of Manila, Port of Cebu, at sa Port of Davao. Asahan ang ilang araw na pagkaantala sa paglabas ng ating mga shipments mula sa mga ports na maaaring tumagal ng isang linggo.

Sa kasalukuyan ay nakakaranas tayo ng tatlo (3) hanggang sampung (10) araw na pagkaantala ng paglabas ng ating mga containers mula sa mga ports papunta sa ating warehouse. Ibig sabihin nito, simula pagdaong ng barko sa Port of Manila ay matatagalan ang paglabas ng mga containers sa yard ng pier. Kasama sa mga dahilan nito ang matagal na paghihintay ng mga barko para maibaba ang mga containers at pagproseso ng mga papeles dahil sa dami ng mga dumadating na shipments.

2. Nitong mga nakaraang buwan ngayong taon ay nakakaranas din tayo ng mangilan-ngilang pagkaantala sa ating shipment. Dahil po ito sa paghihigpit ng mga ports sa Asia tulad ng Tokyo, Shanghai at South Korea kung saan dumadaan ang ating mga barko. Ang mga paghihigpit na ito ay sanhi ng kasalukuyang paghihigpit sa regulasyon na may kinalaman sa pandemya ng Covid19. Bukod dito, ay may ilang mga insidente ng mga barko na naka-quarantine sa mga ports sanhi upang magsikip ang mga daungan na kung minsan ay nasasamahan pa ng mga cruise ships na nastranded dahil din sa quarantine.

3. Ang deliveries naman sa iba't ibang lugar sa Pilipinas ay naaapektuhan lamang depende kung ang isang siyudad ay nag-hihigpit sa pagpasok ng mga saksakyang galing sa labas ng kanilang bayan. Maliban dito, ay hindi naman apektado ang ating logistics sa iba pang mga lugar. Mangyaring alamin ang kasakukuyang quarantine status sa inyong padadalhan upang malaman kung maaaring maapektohan ang iyong ipapadala.

4.  Isa din sa nakakaapekto ng malaki sa delivery timeframe ay ang sobrang dami shipments na dumadating linggo-linggo simula pagpasok ng Octubre na umaabot hanggang Pebrero. Sa mga panahon na ito ay mahit 30 hanggang 35 na 40 Ft. containers o 10,000 na balikbayan boxes ang dumadating sa ating warehouse sa Manila. Hindi sapat ang ating mga trucks para maideliver ang lahat ng kahon ng sabay sabay kaya sinusunod natin ang First-In First-Out rule, at dahil sa dami ng mga kahon na ito ay may dagdag na hanggang sampung araw ang delay ng deliveries.

Bagama't marami tayong dinadanas na pagsubok, pati na rin ang iba pang kumpanya ng balikbayan box, ang ating serbisyo ay tuloy-tuloy at hindi naaampat, at patuloy ang aming pagsisikap na mapanatiling mabilis ang proseso at deliveries ng ating mga balikbayan boxes. 

Para makatulong sa pag-gabay kung kailan mo dapat ipadala ang iyong balibayan box, basahin ang Shipment and Arrival Schedule 2021-2022. Tandaan na ang schedule na ito ay gabay lamang at maaaring maapektohan ng mga dahilan na nabanggit sa itaas. Kaya dapat ay ipadala ang iyong balikbayan box isa hanggang dalawang linggo na mas maaga sa iyong orihinal na plano.

Tandaan na ang bilang ng araw ng delivery sa inyong consignee ay nagsisimula sa araw na dumating ang shipment sa Manila warehouse. Narito ang delivery time-frames mula pagdating ng shipment sa warehouse hanggang sa inyong consignee. Muli, ito po ay gabay lamang at sinisikap namin na masunod ang timeframe na ito sa abot ng aming makakaya sa kabila ng mga dahilan na nabanggit sa itaas.

  • 2-3 days within Metro Manila
  • 5-7 days to any point of Luzon
  • 10-15 days to Visayas ang Mindanao
  • 15-20 days to remote areas
Para sa mga katanungan, magmessage lang sa https://m.me/kenshinhako

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Kenshin Hako, bumisita lang sa https://www.kenshinhako.com



Kenshin Hako Balikbayan Box
Japan to Philippines
Door-To-Door Delivery Service
Mabilis! Maaasahan! Mapagkakatiwalaan!

Contact Details

Website
Facebook
Messenger
Youtube
Viber
Email

Comments

Facebook