Tamang Pagdeklara ng Nilalaman ng Balikbayan Box
Mga Paksa
🔸DUTY & TAX FREE
🔸QUANTITY LIMITATIONS
🔸ACTION FIGURES and OTHER COLLECTIBLES
🔸APPLIANCES, GADGETS and OTHER ELECTRONICS
🔸MULTIPLE BALIKBAYAN BOXES
🔸MERCHANDISES
🔸PROHIBITED ITEMS
Hindi mo kailangan mangamba na mareject ang iyong Balikbayan Box sa Japan Customs basta sundin ng tama ang mga panuntunan na ito.
Nasimulan na natin ang mga pagbabago at pagwawasto sa limitasyon ng mga balikbayan boxes na naayon sa patakaran ng Japan Customs at matapos ang pagpapatupad ng mga pagbabagong ito ay malaki ang ibinaba ng bilang ng mga nareject at nareturn na boxes sa mga customers. Katunayan ay halos wala nang narereject na balikbayan box nitong mga nakaraang linggo dahil mas umaakma na ngayon ang mga limitasyon na pwede mo ipadala.
Narito ang mga dapat ninyong sundin at tandaan para siguradong hindi mareject ang iyong Balikbayan Box.
DUTY & TAX FREE
Ang bawat OFW ay may Duty Free at Tax Free privileges sa pagpapadala ng Balikbayan Box. Tandaan na ito ay pribilehiyo na hindi dapat samantalahin sa ibang pamamaraan. Ito ang mga gabay para akma ang box mo sa mga kwalipikasyon.
1. Ang mga laman dapat ng box mo ay pang personal na pagkonsumo lamang. Ibig sabihin, ito ang mga bagay na pag-aari mo na gusto mo ipadala sa Pilipinas, bago man ito o luma.
2. Ang buong halaga ng laman ng iyong box ay hindi dapat hihigit sa Php150,000 sa buong taon bawat Sender. Halimbawa, kung ikaw ay nagpapadala ng limang balikbayan boxes taon taon, ibig sabihin ang limitasyon sa halaga ng laman ng iyong box ay Php30,000 bawat isa.
3. Sa pag-deklara ng halaga ng iyong mga ipapadalang bagay na luma na o napakinabangan na, hindi kailangan na ilagay ang presyo kung magkano mo ito binili. Ikaw ang may pasya na mag-bigay ng presyo kung magkano na lang sa tingin mo ang halaga nito, 100 yen man yan o pataas. Kung bagong bili naman ang gamit na ipapadala, maaari mo ideklara ang tunay na halaga nito at samahan ng resibo ang iyong packing list. Required lamang ang resibo kung ang bagong biling gamit ay mahigit Php10,000. Ang mahalaga ay hindi lalampas sa limit ng tax-free amount ang iyong declared value.
Basahin ang pahayag mismo ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa bagay na ito.
STATEMENT ON THE BALIKBAYAN BOX ISSUES by Customs Commisioner Nicanor Faeldon.
QUANTITY LIMITATIONS
Ang limitasyon sa dami ng bawat item ang madalas na napapansin agad sa iyong Packing List. Mahalaga din na tandaan mo na para masabing ang iyong box ay "Balikbayan Box" dapat ay magmukha talagang balikbayan box ang laman nito at hindi mga paninda. Narito ang Tips kung paano magdeklara ng quantity.
1. Dapat ang box mo ay naglalaman ng sampu (10) o higit pang "assorted items." Iba iba dapat ang laman ng box at hindi isa o dalawang items lang na napakarami. Hindi maniniwala ang customs na Balikbayan Box ang ipapadala mo kung Ramen Noodles lamang ang laman ng box mo.
Example: sabon, shampoo, blanket, t-shirt, pants, frying pan, oven toaster, old laptop, gameboy, coffee (10 items na magkakaiba o higit pa)
2. Kung magpapadala ng mga pagkain tulad ng mga chocolates at noodles at ito ay nakakahon o nasa pouch, mas mainam na hindi kada piraso ang pagbilang, isulat mo lang kung ilan ang pouch o ilan ang kahon. Maliban kung hindi naman lalampas ng 10 pcs, pwede mo ilagay kung ilang piraso.
Example:
✅ 3 pouches Kitkat chocolate wafers
✅ 2 small boxes of instant ramen.
❌ 50 pcs Kitkat Chocolate wafers
❌ 24 cups of instant noodles
3. Kapag ang ipapadala mo naman ay talagang madami, at higit sa isang kahon ang ipapadala mo, hati-hatiin mo ang bawat item sa bawat box. Alam naman natin na madami tayong naiipon na personal na gamit sa Japan at gusto na lang natin ipadala sa Pinas. Ganito ang dapat mo gawin.
Example: May ipapadala ka na mga assorted items at dalawa doon ay 10 na sapatos at 10 na tsinelas.
✅ Box A - 5 pairs of old shoes and 5 pairs of old sleepers
✅ Box B - 5 pairs of old shoes and 5 pairs of old sleepers
❌ Box A - 10 shoes and 10 sleepers
❌ Box B - Assorted items
Saka mo punuin ang boxes ng iba pang mga assorted items na ipapadala mo at siguraduhin na hiwalay ang Packing List ng bawat box.
ACTION FIGURES and OTHER COLLECTIBLES
1. Kung collector ka ng mga laruan na walang historical value hindi yan tinatawag na Collectors Items. Dahil para tawagin na Collectors Item ang isang bagay, dapat ito ay bihira (rare), may historical, paleontological, o geological value. Kung hindi yan matatawag na Collectors Item, ang classification lang niyan ay Toys or Novelty Items.
2. Sa pagdedeklara ng mga Toys and Action Figures, hangga't maaari ay isa-isahin ang category.
Example:
✅ Baby Toys 5 pcs
✅ Barbie Doll 1 pc
✅ BTS Buble Head Figures 5 pcs
✅ Dragon Ball Z Anime Figures 5 pcs
❌ Toys 16 pcs
3. Ang maximum na declared value para sa ganitong mga items ay hanggang ¥20,000 at hindi dapat punuin ang box na puro laruan lamang.
APPLIANCES, GADGETS and OTHER ELECTRONICS
Wala naman pagbabago sa ating panuntunan tungkol sa pagpapadala ng mga appliances, gadgets, at iba pang mga electronic devices tulad ng mga electric musical instruments, TV, computers, cellphones at iba. Laging tandaan na hindi sakop ng insurance ang mga electronic devices, appliances, at mga babasagin kaya siguraduhin na mabalot at protektahan ng maayos ang mga ipapadala bago ilagay sa box.
MULTIPLE BALIKBAYAN BOXES
Bagama't wala naman limitation kung hanggang ilan ang Balikbayan Box na pwede mo ipadala, hindi maiiwasan na mapansin ang dami ng iyong mga padala. Sundin lang ang mga hakbang na ito para maiwasan na mapag-tuunan ng pansin ang iyong mga balikbayan boxes.
1. Kung maaari, huwag pagsabayin ang schedule ng pick up lalo na kung iisa lang ang Sender. Maaaring dalawa muna this week tapos tatlo naman next week. Hindi naman ito required, pero makakatulong.2. Kung iba iba naman ang Senders, okay lang na sabay sabay ang pick up lalo na yung mga trainees or mga nakatira sa iisang dorm, o mga kapamilya na kasama mo sa bahay.3. Sa pagkakataon na maraming sabay-sabay na pick up ang iisang Sender, depende sa kapasidad nag container, maaaring magkahiwahiwalay ng containers ang mga balikbayan box kahit sabay sabay mo ito pina-pick up. Pinaghihiwalay ng container ang mga boxes na sabay-sabay din aalis sa parehong shipment date. Nagpapaalis tayo ng 10-15 na containers every week, kaya basta pasok sa cutoff ang boxes mo ay magkakasabay din ang shipment, magkakaiba lang ng containers.
MERCHANDISES
Ang mga items na may layuning itinda ay mahigpit pa rin na hindi pinapayagan sa panuntunan ng BOC. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na marami sa ating mga kababayan ang nais magkaroon ng karagdagang hanapbuhay kaya nagpapadala sila ng mga merchandise sa Pilipinas na isinasabay sa kanilang Balibayan Box. Suportado namin ang inyong pangarap subalit hindi ang paglabag sa panuntunan na ito natutuklasan man o hindi. Patuloy pa rin kayo pinapaalalahanan na maging maingat at magdeklara ng tama sa inyong mga packing list at siguraduhin na sundin ang mga panuntunan na ito.
Bagama't karamihan ng mga boxes ay hindi nasusuri, basta pasok sa mga panuntunan na ito ang iyong mga deklarasyon ay hindi maaantala ang iyong padala. Tandaan pa rin na ang pagpapadala ng mga merchandise ay hindi pa rin magagarantiya na hindi marereject kung sakali na ang iyong boxes ay masama sa Random Inspection. Nagpapasalamat kami sa maingat na pag-sunod sa mga patakaran na ito dahilan kaya nabawasan ng malaki ang mga narereject na boxes. Ang mahalaga, basta tama ang pagsunod sa gabay na ito, malaki ang tyansa na hindi mareject ng iyong balikbayan box.
PROHIBITED ITEMS
Wala pa rin pinahihintulutan na mga bagay na mahigpit na ipinagbabawal ipadala sa Balikbayan Box. Mababasa ang listahan ng mga Banned Items sa ating website.
PAALALA
Ang panuntunan na ito ay hindi garantiya, ito ay gabay lamang para makatulong na mapadala ang iyong balikbayan box nang walang problema. Mahigpit pa rin ang aming pag-sunod sa patakaran ng Customs. Ang pinakamahalagang dapat isagawa ay sundin ng tama ang gabay, iwasan na lumampas sa kwalipikasyon, at huwag abusuhin ang pribilehiyong ito para sa mga OFWs. Ang mga nagpapadala ng Balikbayan Box ang higit na may pananagutan sa paglabag ng mga panuntunan na itinakda ng Customs. Maging tapat lang at makipagtulungan.
KARAGDAGANG KAALAMAN
Basahin ang mga karagdagang impormasyon mula sa Bureau of Customs
What is Balikbayan Box Privilege?
BOC Guidelines on Balikbayan Boxes
PROHIBITED IMPORTATIONS/EXPORTATIONS
KENSHIN HAKO BALIKBAYAN BOX
ORDERS and PICK UP
🔸https://kenshinhako.com/jp/requestjp
LEARN MORE 📦
🔸Visit Website: https://www.kenshinhako.com
Message us on
🔸FB: https://m.me/kenshinhako
🔸Viber: viber://pa?chatURI=kenshinhakocs
🔸LINE: https://line.me/R/ti/p/@733qihae
Call Us 📞
JP Landline: +81 50 5846 6350
JP Keitai: +81 80 4806 1112
#KenshinHako #Balikbayan #Box #DoorToDoor #BalikbayanBox #Japan #Pinas #Philippines #Kenshin #Hako #Cargo #DeliveryService #FreightForwarding #Padala #Pasabuy #Pabili
Comments
Post a Comment