Good News! Customs Memorandum Order 04-2017 - Suspended


Good NEWS po! Ang Customs Memorandum Order 04-2017 ay suspendido po hanggang March 31, 2018 kung kaya balik po tayo sa dating sistema ng pagpapadala ng ating balikbayan boxes, na hindi na po muna isa-isaalang-alang ang ilang requirements tulad ng passport, atbp: 

  • Hindi na po kailangang maglakip ng kopya ng passport or government id kasama ng inyong balikbayan boxes. I-declare lang po ng tama ang laman ng inyong bagahe sa ating Packinglist.
  • Hindi na rin po kailangan ng mga resibo para sa mga high-valued items na ipapadala. 
  • Maari pong magpadala ang kahit sino ng balikbayan boxes para sa pamilya o kaibigan, Filipino man o Japanese at iba pang lahi na nakabase sa Japan patungo sa Pilipinas.
  • Maari pong magpadala ng kahit ilang beses; at kahit ilang balikbayan boxes na may kabuuang  Â¥200,000 kada shipment o kada isang linggo. 
  • Ang mga lumang format ng Packinglist ay maari pa rin po nating gamitin.
  • Kung kayo po ay may mga hawak at kopya pa ng bagong packinglist ng BOC, maari din po itong gamitin. Ipagwalang bahala lang po natin ang mga  Instructions ng BOC na nasa itaas ng Packinglist, maliban sa Banned Items or Commercial Items.


On February 2018, kung magkakaroon man po muli ng update ang BOC ay ipapalam po naming sa lahat. Sa ngayon ay balik po sa dating normal na proseso ang pagpapadala ng Balikbayan Box. Kung kayo po ay may iba pang katanungan ay mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa amin, magmessage lang po sa www.facebook.com/kenshinhako. 

Kaya po, huwag na mag-atubili. Magpadala na!





Kenshin Hako Cargo Services
Balikbayan Box | Japan to Philippines
Door-To-Door Delivery Service
Mabilis! Maaasahan! Mapagkakatiwalaan!

Contact Details

Email 

Comments

Facebook