Paghihigpit ng Japan Customs sa Balikbayan Boxes
Ipinapaalam po namin sa lahat ng aming mga taga-tangkilik ang mahigpit na patakaran na ipinapatupad ng Japan Customs sa pagpapadala ng Balikbayan Boxes. Binibigyan diin po namin na ang mga patakarang ito ay nagmula at isinasagawa sa customs ng Japan at hindi po sa customs ng Pilipinas, para po sa kalinawan ng lahat.
Ang Japan Customs ay nagsasagawa ng inspeksyon sa mga Balikbayan Boxes sa lahat ng mga kumpanya na nag-bibigay ng ganitong serbisyo. Ang inspeksyon po na ito ay “random”, ibig sabihin pumipili lamang po ng ilang kahon ang mga tauhan ng customs at hindi po lahat ng kahon ay sinusuri.
Dahil po sa nabanggit, ipinapaalala po namin sa lahat ang kahalagahan ng tamang pag-eempake ng mga Balikbayan Boxes at wastong pag-punan ng information sheet at packing list. Kung susunduin po ang mga panuntunin na ito ay wala po dapat ipangamba ang lahat ng mga tumatangkilik sa aming serbisyo.
Mangyaring sundin po ang mga sumusunod na panuntunin:
- Isulat ng tama at kumpleto ang buong pangalan, contact number, at address ng Sender at Receiver.
- Siguraduhin na kumpleto at tama ang pagtala ng mga nilalaman ng kahon.
- Items – isulat bawat isa ang mga nilalaman ng kahon. Ex. Blanket, Rice Cooker, Saki, etc.
- Quantity – isulat ang bilang ng bawat items. Ex. Blanket 3, Rice Cooker 1, Saki 5, etc.
- Price - isulat ang halaga ng items sa local na salapi. Ex. Blanket 3 ¥3500, Rice Cooker 1 ¥1500, Saki 5 ¥6500.
- Matapos mapunan ang packing list, idikit po itong mabuti sa labas ng kahon at siguraduhing hindi matatanggal habang nasa biyahe.
Banned Items and Limitations
Tandaan po na ang Balikbayan Box ay para sa pansariling gamit lamang at hindi pinapayagan na gamitin ito para makapagpadala ng mga items na pang-negosyo o sobrang dami na may commercial value. Nasa pagpapasya ng mga namamahala kung ang nilalaman ng inyong kahon ay madedeklara na pang-commercial sa sandalling ito ay matanggap sa Japan warehouse batay sa nakasaad sa inyong packing list. Samantala, pinapayagan po ang pagpapadala ng mga appliances at furnitures na kakasya lamang po sa kahon. Anumang bagay na hindi kakasya sa kahon ay hindi po maaaring ipadala.
Ang mga sumusunod ay mga items na ipinagbabawal sa balikbayan box.
- Bigas
- Perishable Goods o mga nabubulok tulad ng prutas at gulay
- Mga pagkaing wala sa lata o mga nasa bote o plastic container lang- ito po ay kailangang selyado at suportahan para hindi mabuhos
- Buto o punla ng anumang uri ng halaman
- Fertilizers
- Pet food o pagkain ng mga hayop, at anumang bagay na may kaugnayan sa hayop tulad ng animal accessories, etc.
- Pornographic materials
- Gambling cards
- Toy Gun
- Kemikal na nakakalason, paint, oil, Lubricants
- Money, checks, money order and traveller’s checks, Jewelry
- Medicines of any kind, prohibited drugs and other Substances
- Motorbikes, battery, charger at spare parts ng mga sasakyan tulat ng gulong
- Flammable materials, fireworks, lighter, gas, bombs
- Fire extinguisher
- Makinang ginagamitan ng gasolina
- Welding machine
- Chainsaw
- Air compressor
- Water pump
- Slot machine
- Generator
Anumang bagay na ipinagbabawal o higit sa personal na gamit ay maaaring kumpiskahin ng mga otiridad ng Japan Customs.
Para po sa inyong mga karagdagang tanong, makipag-uganayan lang po sa Customer Service ng Kenshin Hako sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Live Web Chat : https://www.kenshinhako.com
Facebook : https://www.facebook.com/kenshinhako
JP Landline : +81 50 5846 6350
Email : customerservice@kenshinhako.com
Kenshin Hako Cargo Services
Balikbayan Box | Japan to Philippines
Door-To-Door Delivery Service
Mabilis! Maaasahan! Mapagkakatiwalaan!
Contact Details
Comments
Post a Comment