Pero ngayong pumasok na ang "ber" months, panahon na mas marami ang mga dumarating na shipments sa mga pantalan, asahan na raw ang mas mahabang delay. "Ngayong 'ber' months - September, October, Novermber, December - mga 10 to 20 days ang iexpect mo na delays," ayon kay Joel Longares, President ng Door-to-Door Cargo Consolidators of the Philippines. Pero base sa mga nakarating na reklamo kay Senador Coco Pimentel, may mas malaking problema kaya tumatagal ang paglabas ng mga kargamento mula sa mga pantalan, ang port congestion.
Aminado ang customs mula January 2018, patuloy ang pagtaas ng yard utilization o yung espasyo na okupado ng mga containers sa Port of Manila. Noong June ng taong ito, umaabot sa nakakaalarmang 90% ang yard utlization. Pero malayo pa naman ito sa port congestion na nangyari noong 2014, 96% ang yard utilization noon. "Before the problem blows up, proactive ang stand ng BOC today na hindi tayo dumating sa situations similar to the 2014 port congestion," paglilinaw ni Atty. Dino Austria, Spokesman ng BOC.
Kabilang sa mga ginagawa ng customs ay ang paglilipat sa labas ng Metro Manila ng mga over-staying na mga containers pra makabawas sa pagsisikip sa pantalan, critical kasi ang "ber" months. "On the part of the Bureau of Customs for as long as all of the documents are complete, the customs clearance process can happen in as little as few minutes to a couple of hours," dagdag paglilinaw ni Atty. Dino Austria.
Sa mga Filipino abroad na gusto makatiyak na makakarating bago mag-Pasko ang mga balikbayan box, may payo ang mga cargo consolidators. "September pa lang po (dapat) nag-aasikaso na kayo ng mga balikbayan boxes," payo ni Joel Longares.
(Transcribed from a GMA News report by June Veneracion dated 5 September 2018.)
Kenshin Hako Cargo Services
Balikbayan Box | Japan to Philippines
Door-To-Door Delivery Service
Mabilis! Maaasahan! Mapagkakatiwalaan!
Contact Details
Website
Messenger
Youtube
Viber
Comments
Post a Comment