Mga Sanhi ng Port Congestions at Pagkaantala ng Balikbayan Boxes


Dahil sa bumibigat na kalagayan ng port congestion sa Manila International Container Terminal (MICT), asahan ang ilang araw na pagkaantala sa delivery ng mga balikbayan boxes sa inyong mga consignee.

Sa kasalukuyan ay nakakaranas tayo ng tatlo (3) hanggang sampung (10) araw na pagkaantala ng paglabas ng ating mga container mula MICT papunta sa aming warehouse. Ibig sabihin nito, simula pagdaong ng barko sa Port of Manila ay matatagalan hanggang sa paglabas ng mga containers sa yard ng MICT. Kasama sa mga dahilan nito ang matagal na paghihintay ng mga barko para maibaba ang mga containers at pagproseso ng mga papeles dahil sa dami ng mga dumadating na shipments.

Inaantabayan din natin ang magiging epekto sa port congestion ng gaganapin na kilos protesta ng mga samahan ng trucking operators at brokers sa MICT na ilulunsad simula November 19 hangang 24. Ang kilos protesta na ito ay may kinalaman sa napipintong pag-phase out ng mga lumang trucks at makinarya sa ilalim ng programng modernisasyon ng Bureau of Customs.

Narito ang pagtataya sa inaasahang pag-kaantala sa pagdating ng mga balikbayan boxes:

  1. Ang lahat ng balikbayan boxes o shipment na umalis ng Japan noong Martes November 13 at dadating dapat sa warehouse ng November 22 ay maaaring makalabas ng MICT at makarating sa warehouse sa pagitan ng November 25 hanggang November 30. 
  2. Ang lahat ng shipment na aalis ng Japan sa Martes November 20 at dadating dapat sa warehouse nang November 29 ay maaaring makalabas ng MICT at makarating sa warehouse sa pagitan ng December 4 hanggang December 9. 
  3. Magpapatuloy ang ganitong pagtataya hanggang sa maibsan ang nararanasang Port Congestion ngayon sa MICT na maaaring umabot hanggang February 2019.

Tandaan na ang bilang ng araw ng delivery sa inyong consignee ay nagsisimula sa araw na dumating ang shipment sa Manila warehouse. Narito ang delivery time-frames mula pagdating ng shipment sa warehouse hanggang sa inyong consignee.


  • 2-3 days within Metro Manila
  • 5-7 days to any point of Luzon
  • 10-15 days to Visayas ang Mindanao
  • 15-20 days to remote areas


Para sa mga katanungan, magmessage lang sa https://m.me/kenshinhako

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Kenshin Hako, bumisita lang sa https://www.kenshinhako.com

Karagdagang basahin: Aabot ba ang iyong balikbayan box sa Pasko?



Kenshin Hako Cargo Services
Balikbayan Box | Japan to Philippines
Door-To-Door Delivery Service
Mabilis! Maaasahan! Mapagkakatiwalaan!

Contact Details

Website
Facebook
Messenger
Youtube
Viber
Email


Comments

Facebook