Apat (4) na Paraan Para MAKATIPID sa BALIKBAYAN BOX




Bahagi na ng kulturang Pilipino ang balikbayan box bilang simbulo ng pagsisikap at pagmamahal ng mga Overseas Filipino Workers para sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Kung kaya, karamihan sa ating mga kababayan ay itinuturing nang debosyon ang pagpapadala ng balikbayan box taon taon.

Sa loob nang maraming dekada na nagdaan ay apektado ng mga pagtaas ng presyo maging ang mga balikbayan box. Kaya ano mang paraan kung saan makakatipid ay sinasamantala ng ating mga kababayan.

Sa Japan, maraming paraan para makatipid sa pagpapadala ng balikbayan box. Narito ang ilang paraan para makatipid na maaaring hindi mo pa alam, at ibinabahagi namin ito upang makatulong sa lahat ng mga madalas magpadala katulad mo. 

1. Full Payment COD

Kapag nag-order ka ng carton, ang Sagawa ay sumisingil ng eCollect fee mula  ¥350 hanggang ¥432 sa bawat pagkakataon na tumanggap sila ng bayad mula sa customers. Kaya kung Partial Payment ang pinili mo at hindi Full Payment, magbabayad ka sa kanila ng eCollect fee pagdeliver ng carton sa bahay mo, at kapag pinapickup mo na, ang balanse ay babayaran mo sa JP Post kung saan ay magbabayad ka rin ng Payment Processing fee na na nagkakahalaga simula ¥300 hanggang ¥500 depende sa halaga na iyong babayaran. Nangangahulugan na dalawang beses ka nagbayad ng payment fee sa dalawang magkaibang paraan.

Kaya, mas mabuti na piliin ang Full Payment COD para babayaran mo na ng buo ang iyong box at isang beses mo na lang kailangan magbayad ng payment fee, wala ka pa iintindihin na babayaran kapag nagpapickup ka na dahil fully paid na ang box mo.

2. Debit / Credit Card Payment

Tulad ng Full Payment COD, ganun din ang konsepto kapag magbabayad ka gamit ang iyong debit or credit card. Sa aming website ay maaari ka magbayad gamit ang iyong Visa or Mastercard pag-order mo pa lang ng carton, mayroon itong payment processing fee na 3% nang halaga na iyong babayaran. Kung pipiliin mo ang Partial Payment, magbabayad ka ng 3%, tapos ang balanse ay pwede mo rin bayaran sa online payment gamit ang debit or credit kapag nagpapickup ka na. Ibig sabihin panibagong processing fee.

Kaya, kung gagamit ka ng Visa or Mastercard, mag-full payment ka na para isang beses ka lang magbabayad ng processing fee.

3. Twin Box Promo

Ang Twin Box ay dalawang Regular Boxes na tig-50kg bawat isa, total weight limit ay 100kg. May dalawang boxes ka na pero kasinghalaga lang ng isang Jumbo Box. Sulit ang Twin Box para sa mga nakatira sa lugar kung saan ay may weight limit, dahil sa presyo ng isang Jumbo Box may dalawang Regular Boxes ka na pwede mo ipadala at hindi doble ang presyo. Eto pa, kung dalawang Regular Boxes ang order mo, ibig sabihin dalawang beses ka magbabayad ng ¥1380 para sa delivery charges, total na ¥2760 plus pa ang price ng mismong carton na inorder mo. Pero sa Twin Box Promo, dalawang Regular Boxes ang idedeliver sayo pero isang beses ka lang magbabayad ng delivery fee na ¥1380, nakatipid ka na agad ng ¥1380. At kung full payment pa ang pipiliin mo, may matitipid ka pa sa payment processing fee. Sulit di ba?

4. Kabayan Shokai Package


Ang Kabayan Shokai Package ay para sa mga taong maraming beses magpadala ng balikbayan box bawat taon o para din sa mga grupo ng tao na magkakasama sa isang trabaho o tirahan na gusto magpadala ng balikbayan box.

May dalawang klase ng Kabayan Shokai Package.

Jumbo Box Package (5 pcs)
Regular Box Package (10 pcs).

Ispin mo ito, kung paisa isa lang ang order, bawat deliver ng isang carton ay may charge na ¥1030 delivery fee at ¥350 eCollect fee, total of ¥1380 plus pa ang presyo ng carton na inorder mo. Kung lima kayo sa grupo na oorder, ibig sabihin bawat isa sa inyo ay magbabayad ng ¥1380, ibig sabihin ¥6900 na agad sa delivery at eCollect fee pa lang yan, plus pa ang price ng carton na inorder mo.

Pero sa Kabayan Shokai Package, halimbawa pinili mo ang Jumbo Box Package na 5 pieces, isang beses ka lang magbabayad ng ¥1380 para sa delivery ng limang Jumbo Boxes, ibig sabihin ¥4080 lang ang babayaran mo kasama na ang bayad sa limang carton. Nakatipid ang grupo mo ng ¥5520.

Kung ang order mo naman ay Regular Box Package na 10 pieces, ¥5030 lang ang babayaran mo para sa delivery ng sampung carton, nakatipid ka ng ¥12,420. Napakalaking tipid na niyan ah. Hindi lang yan, pwede mo pa iconvert ang bawat dalawang Regular Boxes sa Twin Box kapag ipapapickup mo na, karagdagang tipid na naman. Sulit na sulit talaga ang Kabayan Shokai Package!

Kaya, kung maraming beses ka man magpadala o marami kayo sa isang grupo na magpapadala, Kabayan Shokai Package na ang piliin.


Yan ang iba't ibang paraan para makatipid sa pagpapadala ng balikbayan box. Ngayon alam mo na, order na!




Kenshin Hako Cargo Services
Balikbayan Box | Japan to Philippines
Door-To-Door Delivery Service
Mabilis! Maaasahan! Mapagkakatiwalaan!

Contact Details

Website
Facebook
Messenger
Youtube
Viber
Email

Comments

Facebook