New BALIKBAYAN BOX RATES Beginning November 24, 2023

Sa loob ng nagdaang tatlong taon, ay may apat na beses nang nagtaas ng presyo ang ating mga suppliers na epekto ng nagdaang pandemya at iba't iba pang sanhi na nakaapekto sa pandaigdigang pananalapi. Subalit sa loob din ng panahong ito ay pinili ng Kenshin Hako na hindi magtaas ng presyo upang patuloy na maging sandalan ng ating mga kababayan sa Japan na umaasa sa aming serbisyo, mapapatunayan ninyo ito kung inyong susuriin ang presyo sa ibang mga kumpanya.

Ngayong taon, sa patuloy na pagbaba ng halaga ng Piso at Yen na dulot ng patuloy na pagtaas ng Dolyar ay hindi na rin naawat ang pagtaas muli ng presyo ng ating mga suppliers, simula sa mga gumagawa ng mga carton, delivery companies, at maging mga shipping lines na siyang ating nagiging katuwang sa matagumpay na serbisyo. Sa pagkakataong ito ay hindi na kakayanin ng Kenshin Hako na panatiliin pa rin ang kasalukuyang presyo ng ating mga balikbayan boxes.

Kung kaya sa mga mag-papapick up ng mga boxes simula sa darating na ika-24 ng November 2023 ay magkakaroon po tayo ng panibagong rates o price list ng ating mga Balikbayan Boxes. Bagama't hindi na natin ngayon mapipigilan ang magtaas, pinilit pa rin ng pamunuan ng Kenshin Hako na maging mas mababa pa rin ang ating presyo kumpara sa iba upang patuloy pa rin na makatulong sa aming mga tagatangkilik kahit sa maliit na paraan.

Sa ganang amin, umaasa po kami sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta sa aming kumpanya at kayo naman ay makakaasa pa rin ng patuloy na pagpapaganda at matapat na serbisyo. Maraming salamat po.

Narito po ang ating bagong rates para sa kaalaman ng lahat.



KENSHIN HAKO BALIKBAYAN BOX

www.kenshinhako.com


ORDERS and PICK UP

🔸https://kenshinhako.com/jp/requestjp


LEARN MORE 📦

🔸Visit Website: https://www.kenshinhako.com


Message us on

🔸FB: https://m.me/kenshinhako

🔸Viber: viber://pa?chatURI=kenshinhakocs

🔸LINE: https://line.me/R/ti/p/@733qihae


Call Us 📞

JP Landline: +81 50 5846 6350

JP Keitai: +81 80 4806 1112


#KenshinHako #Balikbayan #Box #DoorToDoor #BalikbayanBox #Japan #Pinas #Philippines #Kenshin #Hako #Cargo #DeliveryService #FreightForwarding #Padala #Pasabuy #Pabili


Comments

Facebook