ADVISORY: Status of October 31 Shipment Arrival

 


(Para sa mga boxes na napickup at dumating sa Tokyo warehouse from Oct. 7-11 only.)

Tulad po ng taon-taon na nangyayari tuwing peak season, nakakaranas po ang lahat ng port congestion dahil sa sobrang dami ng shipment na dumadating sa Port of Manila. Ang mga paalaala po tungkol dito ay lagi namin ipinapaalam sa aming Facebook page, sa Messenger Channel, at sa aming website.

Ang shipment po na dumating sa Port of Manila noong Oct. 31 kasalukuyang ay naiipit sa pier, hinihintay po natin maclear ang mga naunang containers na nauna at kasabay nito para mailabas ang ating shipment. Ang yarda na napag-daungan ng barko ay congested at napakaraming nakasabay at nauna. Habang ang ibang barko na may kargang shipment na dumating noong Nov. 11 ay nakadaong sa hindi masyadong congested na yarda kung kaya't nailabas na po natin ito ngayong araw. Samantala, ang mga susunod na darating na shipments ay may posibiliad pa rin na maipit sa congestion subalit ito po ay sinisikap natin na maagapan.

Atin nang natanggap ang clearance at ayon sa pamunuan ng BOC, inaasahan na mailalabas ang ating mga shipments nang Oct. 31 anomang araw sa loob ng linggong ito. Sa sandaling mailabas ang mga containers na ito ay agad itong dadalhin sa ating Manila warehouse upang maproseso at mailine up agad for delivery ang mga boxes sa lalong madaling panahon. Ang ganitong sitwasyon sa Port of Manila ay hindi sakop ng ating kontrol kung kaya't gumagabay lamang po tayo sa kung ano ang update na ibinibigay sa atin ng pamunuan ng BOC at tayo masugid na sumusunod sa kanilang proseso.

Para po sa inyong kaalaman, ang mga boxes po na kasama sa Oct. 31 shipment arrival ay ang mga napickup at dumating sa Tokyo warehouse simula Oct. 7 to 11.

Mula po sa pamunuan ng Kenshin Hako, humihingi po kami ng paumanhin sa pag-kaantalang ito at asahan na ginagawa namin ang lahat sa aming pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng BOC.

Hiling po namin ang inyong pag-unawa at maraming salamat po.



KENSHIN HAKO BALIKBAYAN BOX

www.kenshinhako.com


ORDERS and PICK UP

🔸https://kenshinhako.com/jp/requestjp


LEARN MORE 📦

🔸Visit Website: https://www.kenshinhako.com


Message us on

🔸FB: https://m.me/kenshinhako

🔸Viber: viber://pa?chatURI=kenshinhakocs

🔸LINE: https://line.me/R/ti/p/@733qihae


Call Us 📞

JP Landline: +81 50 5846 6350

JP Keitai: +81 80 4806 1112


#KenshinHako #Balikbayan #Box #DoorToDoor #BalikbayanBox #Japan #Pinas #Philippines #Kenshin #Hako #Cargo #DeliveryService #FreightForwarding #Padala #Pasabuy #Pabili

Comments

Facebook