October 31 Arrival
Para sa mga boxes na kasama sa OCT 31 Shipment Arrival na naipit sa Port of Manila dahil sa matinding congestion, ito po ang mga boxes na dumating sa Tokyo warehouse fromm Oct. 7-11...
MALUGOD po namin na ibinabalita na ngayong araw ng Sabado ay nagsimula na po tayo na mailabas sa pier ang ating mga containers papunta sa ating Manila warehouse. Nakaatabay na po ang ating mga tauhan sa warehouse para mabilis na maproseso ang mga boxes at agarang masimulan ang delivery ng mga ito na magsisimula kinabukasan.
November 11 Arrival
Sa mga boxes na dumating sa Tokyo warehouse from October 21-27 at dumating sa Manila Port noong Novemrber 11, nakarating na po lahat ng ating containers sa ating Manila warehouse at agarang nang nagsimula ang mga delivery ngayon linggo hanggang sa mga susunod na araw.
November 18 Arrival
Sa mga boxes na dumating sa Tokyo warehouse from October 28 to 31, inaatabayanan na po natin ang pagdating sa Port of Manila ng barko na may lulan ng ating mga containers. Patuloy po tayo sa pakikipag-ugnayan sa BOC upang kahit papaano ay maagapan ang ating mga shipments at hindi maipit sa port congestion. Maglalabas po kami muli ng update tungkol sa shipment na ito.
Tandaan lamang po ang mga sumusunod na delivery leadtime mula sa Manila warehouse depende sa destination:
2-5 days within Metro Manila areas.
5-7 days to other Luzon areas (near)
7-10 days to other Luzon areas (far)
10-15 days to Visayas and Mindanao
15-20 days to select remote areas and following destinations below.
- Butuan
- Misamis
- Cagayan De Oro
- Zamboanga
- Dipolog
- Bohol
Nais po namin ipaunawa na ang port congestion o ang pagsisikip sa loob ng Port of Manila ay hindi maiiwasan lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan, hindi po natin ito kontrolado subalit lagi po namin sinisikap na maagapan na maapektohan nito ang inyong mga padala at siguraduhin na mapabilis ang deliveries sa oras na dumating sa ating Manila warehouse ang mga containers. Kada linggo ay 10-16 na 40ft containers natin ang dumadating sa Port of Manila, hindi po madali na mapalabas lahat ang mga ito ng agaran subalit palagi natin ito sinisikap na magawa alang-alang sa inyo na aming mga loyal na tagatangkilik.
Atabayanan lamang po ang mga susunod na updates. Maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik at pag-unawa.
KENSHIN HAKO BALIKBAYAN BOX
ORDERS and PICK UP
🔸https://kenshinhako.com/jp/requestjp
LEARN MORE 📦
🔸Visit Website: https://www.kenshinhako.com
Message us on
🔸FB: https://m.me/kenshinhako
🔸Viber: viber://pa?chatURI=kenshinhakocs
🔸LINE: https://line.me/R/ti/p/@733qihae
Call Us 📞
JP Landline: +81 50 5846 6350
JP Keitai: +81 80 4806 1112
#KenshinHako #Balikbayan #Box #DoorToDoor #BalikbayanBox #Japan #Pinas #Philippines #Kenshin #Hako #Cargo #DeliveryService #FreightForwarding #Padala #Pasabuy #Pabili
Ito talaga ang gustong gusto ko sa Kenshin Hako. Naaappreciate ko yung sobrang compassion nila sa mga customers. Alam nila at nauunawaan ang pakiramdam ng mga nagpapadala lalo na kapag nagkakaroon ng problema sa shipment kaya lalong hindi nila pinbabayaan, talagang may ginagawa sila at kumikilos. Kudos sa inyo Kenshin Hako. Antinde niyo! Sa tagal ko sa Japan wala ako nakitang ibang companies na may taas ng level ng dedication sa aming mga customers. Hindi lang basta kumita, talagang serbisyo. More power!
ReplyDelete