Ipinagpaliban na ng BOC ang Palletized X-Ray Inspection para sa mga Consolidated Balikbayan Shipments
Magandang balita mga kabayan. Suspendido muna ang mano-manong inspeksyon ng mga balikbayan boxes.
Patungkol po ito sa mga memo ng Bureau of Customs (BOC) na inilabas noong June 16, 2025 at June 23, 2025 hinggil sa pagpapatupad ng "Palletized X-Ray Inspection para sa Informal Entry Shipments."
Dahil po sa naging epekto nito sa mga Overseas Filipino Workers at kanilang mga pamilya, pati na rin ang mga lehitimong alalahanin mula sa mga stakeholders, at base na rin sa impormasyong ibinigay ng mga katuwang mula sa ibang bansa para sa mas epektibong risk management at profiling ng BOC, pansamantala munang ipinatitigil ang pagpapatupad ng nasabing mga memo.
![]() |
READ: BOC Memorandum June 30, 2025 |
Dahil dito, babalik muna tayo sa regular na proseso ng pagpapadala ng mga consolidated balikbayan shipments, maliban na lamang kung may derogatory information o may kaugnayan sa profiling activities ang mga padala. Gayunpaman, patuloy pa ring ipatutupad nang mahigpit ang mga umiiral na batas, patakaran, at regulasyon ng customs.
Bilang resulta, ang ating mga balikbayan box shipments na dumating at nanatili sa yarda ng Customs mula noong June 19 ay atin nang nailabas at nakarating na sa ating Manila warehouse ngayong araw ng Huwebes, July 3, 2025. Walang nabuksan na mga balikbayan box. Agaran naming ipinatupad ang pagproseso sa mga shipment at bukas ay mabilisan nang sisimulan ang paghahatid ng mga naantalang balikbayan boxes.
Tandaan lamang po muli ang mga sumusunod na delivery leadtime mula sa Manila warehouse depende sa destination:
2-5 days within Metro Manila areas.
5-7 days to other Luzon areas (near)
7-10 days to other Luzon areas (far)
10-15 days to Visayas and Mindanao
15-20 days to select remote areas and following destinations below.
Butuan
Misamis
Cagayan De Oro
Zamboanga
Dipolog
Bohol
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pang-unawa.
KENSHIN HAKO BALIKBAYAN BOX
ORDERS and PICK UP
🔸https://kenshinhako.com/jp/requestjp
LEARN MORE 📦
🔸Visit Website: https://www.kenshinhako.com
Message us on
🔸FB: https://m.me/kenshinhako
🔸Viber: viber://pa?chatURI=kenshinhakocs
🔸LINE: https://line.me/R/ti/p/@733qihae
Call Us 📞
JP Landline: +81 50 5846 6350
JP Keitai: +81 80 4806 1112
#KenshinHako #Balikbayan #Box #DoorToDoor #BalikbayanBox #Japan #Pinas #Philippines #Kenshin #Hako #Cargo #DeliveryService #FreightForwarding #Padala #Pasabuy #Pabili
Comments
Post a Comment