MAHALAGANG ABISO SA MGA CUSTOMER NG KENSHIN HAKO
Bagong Furikomi Payment System Simula October 31, 2026
Mga Ka-Kenshin, may mahalaga po kaming update tungkol sa pagbabayad para sa inyong Balikbayan Boxes.
Hanggang October 30, 2026 na lamang po namin gagamitin ang aming kasalukuyang Japan Post Bank account sa pagtanggap ng bayad. Simula October 31, 2026, huwag na pong magpadala ng payment sa lumang account na ito.
Tuloy pa rin po ang Furikomi o bank transfer, gamit ang aming bagong payment system sa pamamagitan ng Stripe Japan, kung saan bawat customer ay may sariling assigned SMBC Bank payment account number.
Layunin ng pagbabagong ito na gawing mas madali, maayos, at sistematiko ang pagtanggap at pag-record ng inyong mga bayad.
Ano ang assigned Furikomi account?
Bawat customer ay bibigyan ng unique SMBC Bank account number na nakatalaga sa kanilang customer record. Dito ninyo ipapadala ang bayad para sa inyong mga Balikbayan Boxes.
Ang account na ito ay isang virtual account para sa inyong payments sa Kenshin Hako. Hindi ito personal savings account na bubuksan ninyo sa bangko.
Sa bagong sistema, mas madaling matutukoy kung kaninong customer ang pumasok na bayad at awtomatikong maitutugma ito sa kaukulang unpaid invoice kapag tugma ang payment details.
Mahalaga: Gamitin lamang ang account number na naka-assign sa inyo. Huwag itong ipagamit sa ibang customer, dahil maaaring ma-credit ang kanilang bayad sa inyong customer record sa halip na sa kanila.
Paano makukuha ang inyong assigned account number?
Nagsimula na po kaming mag-transition sa bagong sistema. Ganito ang proseso:
Mag-submit ng Pickup Request Form.
Gagawa kami ng inyong online invoice at ipapadala sa inyo ang link.
Buksan ang link at sundin ang Bank Transfer / Furikomi instructions para makita ang inyong assigned SMBC Bank account details.
I-transfer ang halagang nakasaad sa invoice at itago ang inyong transaction receipt.
Maaari ninyong i-save ang assigned account details sa inyong cellphone o online banking app para sa mga susunod na pagbabayad. Bago mag-transfer, palaging i-check ang pinakabagong invoice para sa tamang halaga at payment instructions.
Paano magbabayad sa bagong account?
Maaari kayong mag-Furikomi papunta sa inyong assigned SMBC account gamit ang online banking, ATM, o bank counter na may domestic bank transfer service, alinsunod sa mga patakaran at available services ng inyong bangko.
Sundin nang eksakto ang bank name, branch, account type, account number, at account holder name na nakasaad sa payment instructions.
May iba pa bang payment options?
Opo! Available pa rin ang aming iba pang paraan ng pagbabayad:
Konbini payment
Online payment gamit ang credit o debit card
Local bank payment options sa Pilipinas
Makipag-ugnayan lamang sa amin para sa tamang payment instructions.
Kailangan ng tulong?
Kung wala pa kayong bagong account details, may tanong tungkol sa inyong invoice, o nakapag-transfer sa lumang Japan Post Bank account pagkatapos ng cutoff, mag-message agad sa aming customer service. Kung nakapagbayad na, isama ang inyong transaction receipt para matulungan namin kayong ma-check ang payment.
Facebook: facebook.com/KenshinHako
Viber: Kenshin Hako Customer Service
Website Live Chat: kenshinhako.com
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa, pakikiisa, at patuloy na pagtitiwala sa Kenshin Hako!
KENSHIN HAKO BALIKBAYAN BOX
ORDERS and PICK UP
🔸https://kenshinhako.com/jp/requestjp
LEARN MORE 📦
🔸Visit Website: https://www.kenshinhako.com
Message us on
🔸Viber: viber://pa?chatURI=kenshinhakocs
🔸LINE: https://line.me/R/ti/p/@733qihae
Call Us 📞
JP Landline: +81 50 5846 6350
JP Keitai: +81 80 4806 1112
#KenshinHako #Balikbayan #Box #DoorToDoor #BalikbayanBox #Japan #Pinas #Philippines #Kenshin #Hako #Cargo #DeliveryService #FreightForwarding #Padala #Pasabuy #Pabili

Comments
Post a Comment