Paala-ala sa Pagpapadala ng mga "FRAGILE" na Gamit.

Kenshin Hako Balikbayan Box Japan to Philippines

Marami sa ating mga kababayan ang mahilig magpadala ng mga babasagin na kitchen wares, alak,  at mga electronic gadgets and appliances, pati na rin ang mga lalagyan tulad ng plastic bottles, plastic tubes, o anomang plastic containers na naglalaman ng mga likido, pero marami rin ay hindi nauunawaan ang panganib kung hindi tama ang pag-eempake ng mga ito sa kahon upang masigurado na ito ay protektado at hindi mababasag.

Tandaan po na ang mga balikbayan box po ay ikinakarga sa container bago isakay sa barko. Hindi po maiiwasan na habang naglalayag ang barko sa dagat ay maaaring mag-umpugan ang mga kahon sa loob ng container lalo na kapag malakas ang alon na nagiging sanhi ng pagka-damage ng box or pagkabasag ng mga laman nitong babasagin. Lalo po itong delikado kapag may laman na bote ng alak o likido sa loob ng kahon, dahil kapag ito ay nabasag, maaari mabasa ang kahon at masira at madamay ang ibang kahon sa loob ng container. Maaari din mabasag ang anumang babasagin sa loob ng kahon dahil sa matinding pressure sa loob ng container lalo kung ang iyong kahon ay napapailaliman ng ibang kahon, at dahil sa bigat ng ibang kahon na nasa ibabaw nito ay nababasag ang mga babasagin.

Mahalaga din na inyong malaman na hindi sakop ng insurance ang anumang babasagin sa balikbayan box tulad ng TV, mga pinggan, bote ng alak, at iba pang babasagin. Ito ay dahil mas mataas ang panganib na mabasag ang mga ito kapag naglalayag o bumibiyahe. Alamin kung ano-ano ang mga kundisyon na sakop at hindi sakop ng insurance.

Narito po ang ilang mga patnubay kung paano ang tamang pag-eempake ng mga babasagin at maiwasan ang insidente ng pagkabasag ng inyong mga gamit.

Gumamit ng “bubble wrap” or mga “foam cushions” para ibalot ang mga babasagin, mas mabuti kung bawat isang piraso ay may balot.


1. Gumamit ng “bubble wrap” or mga “foam cushions” para ibalot ang mga babasagin, mas mabuti kung bawat isang piraso ay may balot.

2. Lagyan ng makapal at malambot na sapin ang ilalim, ibabaw at gilid ng kahon. Kung may kasamang mga damit at tela sa loob ng kahon, mas mabuting ipagitna ang mga babasagin para magsilbing proteksyon.

3. Selyohan ng packing tape na maganda ang quality ang buong kahon, kailangan balutan ang buong kahon para kung may mabasag man na may likido, hindi gaano masisira ang kahon at maiiwasan makadamay ng ibang kahon.

4. Sulatan ng mga salitang “FRAGILE, HANDLE WITH CARE” ang lahat ng gilid ng kahon at ibabaw nito, siguraduhin na madali ito makikita. Ito po ay para hindi mailagay ang iyong kahon sa ilalim ng ibang kahon kapag ikinarga sa container o sa truck. Mayroon din mabibiling mga "Fragile" stickers sa mga konbini or daiso shops.

5. Siguraduhin na nakasaad sa packing list ang lahat ng laman ng kahon lalao na ang mga babasagin. Ito ay upang malaman ng mga tauhan ng warehouse na kailangan ingatan ang kahon.


Kung susundin po ang mga patnubay na ito, mas maiiwasan po ang pagkabasag ng mga gamit sa loob ng kahon. Kami po ay may malasakit sa inyong mga pinaghirapan, kaya nais namin na kayo ay may tamang kaalaman para sa seguridad ng inyong mga pinaghirapan.


- Kenshin Hako Balikbayan Box






VIDEO

Tamang Pag-empake ng Balikbayan Box

(How to Pack Your Balikbayan Box)




Kenshin Hako Balikbayan Box
Japan to Philippines
Door-To-Door Delivery Service
Mabilis! Maaasahan! Mapagkakatiwalaan!

Contact Details




Comments

Facebook