Sa aming mga tagatangkilik,
Ang paala-alang ito ay may layon na bigyang linaw ang mga bagong probisyon na nasasaad sa bagong memorandum na ipinalabas ng Bureau of Customs at ipatutupad simula 1 August 2017. Nais po namin na maibsan ang pangangamba ng ating mga kababayan lalo na ang aming mga tagatangkilik dahil sa hindi lubos na pag-kakaunawa sa memorandum na ito ng BOC. Hayaan po ninyo na aming bigyan ng simpleng paliwanag ang mga sinasaad sa mga bagong panuntunan.
Sisimulan po namin ang paglilinaw sa bahagi lamang ng memorandum na may direktang kaugnayan sa mga OFWs na magpapadala ng balikbayan box. Kung nais po ninyo mabasa ang buong probisyon, maaari po ninyo madownload ang kopya ng memorandum sa https://kenshinhakocs.bitrix24.com/~cjg1D.
Ang mga sumusunod na paglilinaw ay batay na rin sa aming nakalap na impormasyon mula mismo sa bumubuo ng pamunuan ng Bureau of Customs at sa mga nalathalang pahayag.
Memorandum Circular 04-2017
Bureau of Customs
1. Compulsory Box Inspection
Pangunahing naging pangamba ng mga OFW ang nababalitang pagbubukas muli ng mga balikbayan box sa BOC. Ito po ay walang katotohanan at hindi mangyayari maliban kung may sapat na dahilan upang pag-hinalaan ang tunay na nilalaman ng inyong kahon. Ang mga containers ng Kenshin Hako ay dadaan pa rin sa isang mobile x-ray upang masuri ang nilalaman ng mga kahon, isang proseso na magpapatuloy ayon sa mga nagdaang patakaran.2. Sender's Information Sheet
Nais ng BOC na maglakip ng Sender's Information Sheet ang bawat OFW na magpapadala ng balikbayan box, hindi po ito naiiba sa Packing List na kasalukuyang ginagamit ng aming mga tagatangkilik. Nangangahulugan na bukod sa aming Packing List, kakailanganin din ng sender na magdownload, magpaprint, at magsagot ng information sheet na galing sa BOC. Ito po ay isang proseso na amin ngayong pinag-iisipan na pag-isahin, o gamitin na lamang ang information sheet ng BOC upang hindi maging matrabaho at mahirapan ang mga magpapadala dahil sa dami pa lamang ng papel na kailangan sulatan. Pansamantala, pareho pa rin natin gagamitin ang aming Packing List at ang Information Sheet ng BOC hanggang mabuo ang desisyon ukol dito.Narito po ang link para sa mga nagnanais na magdownload ng Information Sheet, https://kenshinhakocs.bitrix24.com/~ka0mx. Kailangan po ninyo mag-paprint ng 3 kopya ng Information Sheet, ang unang kopya ay ididikit sa kahon kasama ng aming Packing List, ang pangalawa ay isasama din sa nauna upang maging kopya ng Kenshin Hako, at ang isa pa ay para sa inyong sariling kopya.
3. Passport For Proof Of Identity
Nais ng BOC na maglakip ng kopya ng passport ang mga OFW na magpapadala ng Balikbayan Box. Ito ay bilang pagpapatunay ng pagka-Pilipino na magbibigay karapatan upang inyong pakinabangan ang benepisyo para sa mga OFW tulad ng benepisyo sa balikbayan box. Ang pamunuan ng Kenshin Hako ay hindi buong loob na sumasang-ayon sa probisyon na ito, dahil ito ay magbibigay ng panganib sa inyong pagkakakilanlan o privacy. Ang probisyon na ito ay patuloy na binibigyang linaw sa mga kasalukuyang nagaganap na usapin. Patuloy lang po na umantabay sa aming susunod na advisory.4. Receipts For Proof Of Purchase
Nais ng BOC na maglakip ng kopya ng resibo ang mga OFW na magpapadala ng brand new na kagamitan sa kanilang balikbayan box. Ang Kenshn Hako ay hindi rin buong loob na sumasang-ayon sa probisyon na ito, dahil magbibigay ito ng pangamba sa seguridad ng balikbayan box. Bagama't ang Kenshin Hako ay walang natatalang insidente ng mga nawawalang gamit sa kahon, ang paglalakip ng resibo ng isang mamahaling bagay ay maaaring magresulta ng di magandang interes lalo't higit sa labas ng saklaw ng aming proteksiyon. Sa ngayon ay tatalima po ang Kenshin Hako sa kautusan ng BOC habang ang usapin na ito ay pinagdedebatehan. Tandaan, ang resibo ay kailangan lamang kung may brand new na gamit na ilalagay sa kahon, kung meron man.5. Cause Of Delay
Ang BOC ay nagtakda rin ng mga bagong patakaran at panuntuhan na nagpapalawig ng mga kailangan na dokumento at mas mahigpit na proseso. Ang Kenshin Hako ay sumusuporta sa anumang hakbang ng BOC upang mabawasan ang smuggling kung hindi man tuluyang masawata. Bagama't may mga karagdagang requirements sa proseso, hindi namin nakikita na magiging dahilan ito ng mga pag-kaantala ng mga balikbayan box. Amin pong sinusuri at pinag-aaralan ang aming magiging hakbang upang maging mabilis ang aming proseso at maiwasan ang pag-kaantala ng inyong mga padala. Umasa po kayo na ang kasalukuyang delivery time-frame ay hindi magbabago bilang aming garantiya sa aming ipinangakong serbisyo.6. Family Member Strictly As Consignee
Ipapatupad ng BOC na kapamilya lamang ng nagpadala ang maaaring tumanggap ng balikbayan box sa Pilipinas. Nalalaman po natin na ang bagay na ito hindi makakaapekto ng malaki sa kabuuang proseso, magka-gayunman sa aming palagay ang panuntunan na ito ay isang maliit kalabisan subalit hindi rin naman malaking kawalan kung gagawin. Kung seguridad ang pinag-uusapan, hindi po natin ito tinututulan. Ayon sa memorandum ng BOC, maaaring mapatawan ng karagdagang buwis ang balikbayan box na hindi kamag-anak ang nakatalang tatanggap sa Pilipinas.Nawa po ang aming nabigyang linaw ang pagkalito ng marami at kapanatagan ng kalooban ng aming mga tagatangkilik. Kung mayroon po kayo karagdagang katanungan, suhestiyon, o mensahe, makipag-ugnayan lamang po sa mga sumusunod na pamamaraan:
Customer Service
Email customerservice@kenshinhako.com
FB Page www.facebook.com/kenshinhako
JP Landline +81 50 5846 6350
Live Chat www.kenshinhako.com
Maraming salamat po!
Kenshin Hako Cargo Services
Balikbayan Box | Japan to Philippines
Door-To-Door Delivery Service
Mabilis! Maaasahan! Mapagkakatiwalaan!
Contact Details
Comments
Post a Comment