AirBilis Kōkū-Bin | Air Delivery Service by Kenshin Hako

Kenshin Hako - AirBilis Kōkū-Bin - Air Delivery Service


Kabayan! Maaari ka na magpadala ng maliliit o malalaking packages gamit ang AirBilis Kōkū-Bin (Air Delivery Service) ng Kenshin Hako. Ngayon ay kaagapay na ng Kenshin Hako ang FedEx Philippines sa pagbibigay ng masmalawak, mas mabilis, at mas maaasahang serbisyo para sa ating mga kababayan. Hindi na imposible ang makapagpadala mula sa kahit saan mang dako ng Japan hanggang saan mang sulok ng Pilipinas. Higit sa lahat, pwede ka magpadala kahit isa man o marami, malaki man o maliit, may saktong serbiyo na mapagpipilian ka. Mas makakatipid ka pa dahil discounted ang bawat padala mo sa AirBilis Kōkū-Bin dahil sa pakikipagtulungan ng FedEx. Bukod dito ay maaari ka na rin makapagpadala ng Balikbayan Box via air cargo na mas mabilis kaysa sea cargo, 7-10 days lang nasa consignee mo na ang padala mo.

Alamin ang mga impormasyon na dapat mo malaman at kung paano magpadala sa AirBilis Kōkū-Bin.

Ano ang AirBilis Kōkū-Bin?

Ang AirBilis ay ang ar delivery service ng Kenshin Hako sa pakikipagtulungan ng FedEx Philippines. Maaari ka makapagpadala ng mga packages mula Pilipinas papuntang Japan o mula Japan papuntang Pilipinas, maliit man o malaki, pang personal man o pang-commercial na purpose.

Hindi mo na kailangan lumabas ng bahay para magpa-air cargo dahil kailangan mo lang ihanda ang iyong ipapadala at kami na ang kukuha sa bahay mo, pipili ka lang ng ng petsa at oras kung kailan mo gusto ipapick up ang iyong package.

Sa AirBilis, pwede ka magpadala ng packages mula 500g o pataas, per kilogram ang rate kaya siguradong tipid at sulit ang iyong padala. Ang rate ay base sa timbang ng iyong ipapadala o base sa volumentric weight kung alin man ang mas mataas. Ang volumentric weight ay base sa sukat ng bawat gilid ng kahon na iyong gagamitin.

Kung ang iyong package ay papunta sa Pilipinas at ang halaga ng iyong ipapadala ay mababa sa Php10,000, walang duty and tax na babayaran ang iyong consignee. Magkakaroon lamang ito ng tax kung ang halaga ng iyong padala ay mahigit sa limit na ito at ibabatay ang tax na babayaran sa halaga ng iyong padala kasama ang halaga ng shipping charges. Ang tax na ito ay tutuusin ng Bureau of Customs ayon sa tariff rate ng bagay na iyong ipapadala.

Ano ang mga dapat ko ihanda bago magpadala?

Ito ang mga bagay na dapat mo muna ihanda bago magsubmit ng iyong order para maging mabilis at swabe ang proseso.

  1. Actual weight of your package.
  2. Measure the dimensions of your package/box in centimeters.
  3. List of items you are sending.
    • item name and descriptions
    • quantity per item
    • weight per item
    • declared amount per item
  4. Customs Clearance Documents

  • Para mapabilis ang clearance process ng iyong package sa Customs at maiwasan ang abala, mag-upload ng mga sumusunod na dokumento na tumutukoy sa mga bagay na iyong ipapadala. Hindi lahat ito ay require pero kailangan para hindi maantala ang delivery ng iyong package.
    • a. identification card
    • b. photos of items showing the label and descriptions
    • c. certifications of items you are sending (optional)
      • ex. FDA, HALAL, Material Safety Data Sheet, etc.
    • c. receipts or invoices of items you are sending (optional)

Ilang araw ang delivery?

Dahil ito ay delivery via air, 7-10 days lamang ang delivery timeframe mula pagpick up sa bahay ng sender hanggang sa pintuan ng receiver. Door-to-door po ang delivery.

Magkano ang Shipping Fee?

Per kilogram ang charging. Depende sa timbang at dimension ng kahon ang shipping fee na iyong babayaran. 

  • Rate starts at¥2,900 from 0.5kg then ¥700 per additional kilogram, applicable to packages in pouches or small boxes.
  • Large boxes start at¥16,600 from 10kg then ¥700 per additional kilogram.

You can use our RATE CALCULATOR to get the best rate for your shipment.

Ano-ano ang mga packaging na pwede ko gamitin?

FedEx Envelope (23.5cm x 33.5cm) 500g

Ang Envelope ay madalas na ginagamit sa pagpapadala ng mga dokumento or mga bagay na manipis lamang hanggang 5 inches ang kapal. Hindi dapat ito lalampas ng 500g (0.5kg). Ang FedEx pick up driver mismo ang magdadala ng Envelope sa araw ng pick up na pipiliin mo.

FedEx Pak (30.48 cm x 39.37 cm) 2.5Kg

Ito ay pouch. Maaari mo ito gamitin sa pagpapadala ng mga bagay na hindi lalampas ng 2.5kg. Ang iyong ipapadala ay dapat kasya sa pouch at nakabalot ng maayos para maiwasan na masira. Ang FedEx pick up driver mismo ang magdadala ng Envelope sa araw ng pick up na pipiliin mo.

FedEx 10kg Box (40.16 cm x 32.86 cm x 25.88 cm)

Ang box na ito ay ginagamit sa pagpapadala ng mga bagay na hindi lalampas ng 10kg ang timbang. Maaari ito gamitin para sa Balikbayan Box privilege. Maaari ka makakuha ng box na ito sa kahit saang branch ng FedEx na malapit sa iyo, maaari din sila tawagan para magpadeliver ng carton kailangan mo lang bayaran ang delivery charge ng carton.

FedEx 25kg Box (54.8 cm x 42.1 cm x 33.5 cm)

Ang box na ito ay ginagamit sa pagpapadala ng mga bagay na hindi lalampas ng 25kg ang timbang. Maaari ito gamitin para sa Balikbayan Box privilege. Maaari ka makakuha ng box na ito sa kahit saang branch ng FedEx na malapit sa iyo, maaari din sila tawagan para magpadeliver ng carton kailangan mo lang bayaran ang delivery charge ng carton.

Kenshin Hako Regular Box 25 kg (55 cm x 65 cm x 35 cm)

Ang box na ito ay ginagamit sa pagpapadala ng mga bagay na hindi lalampas ng 25kg ang timbang. Maaari ka makakuha ng carton na ito sa website ng Kenshin Hako (https://kenshinhako.com/jp/requestjp/). Maaari din ito gamitin para sa Balikbayan Box privilege. Ang delivery charge ng carton ay may bayad at hindi kasama sa charge ng AirBilis shiping. Ang Kenshin Hako Box ay available lamang sa mga customers sa Japan.

Your Own Packaging

Kung mayroon ka nang box, maaari mo ito gamitin ano man ang sukat nito. Ang shipping fee ay tutuusin ayon sa aktwal ng timbang o ayon sa tinatawag na volumentric weight kung alin man ang mas mataas. Ang volumetric weight ay ang kapasidad na bigat ng kahon base sa dimension nito.

Ganito ang formula sa pagkuha ng volumentric weight.
    • Length(cm) x Width(cm) x Height(cm) / 5000

May babayaran ba ako na Duties and Taxes?

Ang declared value ng mga packages na papuntang Pilipinas ay dapat HINDI HIHIGIT sa Php10,000 para wala ka babayaran na Duties and Taxes. Samantala, ano mang package na manggagaling sa Pilipinas ay may pataw ng Duties and Taxes pagdating sa Customs ng bansa na papadalhan nito na base naman sa tariff rates, declared value, at classification ng mga bagay na iyong ipapadala. Hindi namin kontrolado ang Duties and Taxes ng ibang bansa kas mainam din na makipag-ugnayan sa customs ng bansa na iyong papadalhan para alamin ang tungkol sa bagay na ito.

Kung ang iyong package naman na ipapadala sa Pilipinas ay HIGIT sa limit na Php10,000, ito ay papatawang ng Duties and Taxes ng Bureau of Customs sa Pilipinas. Base ito sa tariff rates ng classification ng bagay na ipapadala mo. Ang halaga ng tax ay tutuusin base sa iyong declared value at shipping fee.

MALIBAN kung gagamitin mo ang Balikbayan Box Privilege, ito ay exempted sa Duties and Taxes hangang sa declared value na Php150,000 bawat taon. Ang iyong kahon ay dapat naglalaman ng mga personal na gamit lamang at hindi mga paninda. Alamin pa ang karagdagang impormasyon tungkol sa Balikbayan Box sa ibaba.

May iba pa ba ako babayaran na dapat ko malaman?

Ang presyo na iyong babayaran sa shippping ay kabuuan ng lahat ng mga charges and fees. Ang shipping fee na makikita mo sa order form ay summary na ng lahat ng mga chargeable cost sa pagpapadala ng iyong package. Ang tanging magbabago laman ay kung sisingilin ka sa Customs ng duties and taxes. Tulad ng nabanggit sa itaas, sundin lang ang mga limit para hindi na magkaroon ng karagdagang duties and taxes.

Pwede ba ako magpadala ng Balikbayan Box gamit ang AirBilis?


Oo, pwedeng pwede. Ang Balibayan Box privilege ay exempted sa Duties and Taxes hanggang Php150,000 na halaga ng declared value kada taon. Ang iyong kahon ay dapat naglalaman ng mga personal na gamit lamang at hindi mga paninda. 

Ang pribilehiyo na ito ay maaari mo gamitin tatlong beses (3) bawat taon. Ang mahalaga ay masunod ng tama ang mga limitasyon at panuntunan sa paggamit ng Balikbayan Box privilege. Kapag hindi nasunod ang mga limitasyon na nabanggit sa itaas, ang iyong padala ay hindi maituturing na Balikbayan Box at mapapatawan ng duties and taxes sa customs.

Kung gagamitin mo ang Balikbayan Box privilege, kailangan mo idownload at sagutan ang BOC Information Sheet, kailangan mo ito iprint at punan ang mga tanong sa pages 1 and 3 at lagdaan.

Narito ang mga uri ng kahon na maaari mo gamitin para sa Balikbayan Box at ang mga naayon na weight limit.
  • Kenshin Hako Regular Box 25kg limit
  • FedEx 25kg box
  • FedEx 10kg box
Ang Kenshin Hako box ay maaaring maorder sa website ng Kenshin Hako. Para naman sa mga kahon ng FedEx, maaari ka kumuha sa kahit anong branch ng FedEx o tumawag para magpadeliver.

Ang ibang uri ng kahon or packaging ay hindi maaaring gamitin para sa Balikbayan Box privilege.


➖ KENSHIN HAKO BALIKBAYAN BOX For Orders and Pick Ups, please fill-out the online request form at: 🔸https://airbilis.kenshinhako.com/jp/order/
RATE CALCULATOR
LEARN MORE 📦 🔸Visit Website: https://www.kenshinhako.com Message us on 🔸FB: https://m.me/kenshinhako 🔸Viber: viber://pa?chatURI=kenshinhakocs 🔸LINE: https://line.me/R/ti/p/@733qihae Call Us 📞 JP Landline: +81 50 5846 6350 JP Keitai: +81 80 4806 1112 #KenshinHako #Balikbayan #Box #DoorToDoor #BalikbayanBox #Japan #Pinas #Philippines #Kenshin #Hako #Cargo #DeliveryService #FreightForwarding #AirBilis #AirDeliveryService

Comments

Facebook