Commercial Items: Maaari na Ipadala sa Kenshin Hako

Magandang balita para sa mga kababayang negosyante sa Japan!!!

Hindi na kailangan matakot na magpadala ng inyong mga paninda mula Japan to Pinas dahil maaari na ngayon magpadala ng mga commercial items or merchandises.

Kung dati, kapag nahuli ng Japan Customs ang inyong mga paninda ay maaaring ipabalik sa inyo ang inyong mga boxes at may kasama pang malaking halaga ng penalty. Madalas pa, kapag sa Customs sa Pinas natuklasan ay nakukumpiska pa ang iyong kargamento.

Kenshin Hako Customs ClearanceNgayon, maiiwasan na natin yan, makakapagpadala na kayo ng mga paninda at mas makakatipid pa dahil mayroon nang standard Customs Clearance Fee na babayaran.

Napakaganda nito para sa inyo mga kabayan! Kaya alamin na ang mga dapat mong malaman. Narito ang mga tuntunin para makapagpadala na ng iyong mga merchandises.


  1. Sa ating Pickup Request Form ay may section na kung saan idedeklara mo ang nilalaman ng iyong box kung ito ay Personal Effects or Commercial.
  2. Bawat commercial box ay may kaukulang bayad na Customs Clearance Fee na nagkakahalaga ng ¥6,300 plus ¥1,100 kada karagdagang box o hanggang ¥10,700 sa bawat limang boxes kada weekly shipment.
  3. Bawat kahon ay dapat naglalaman ng tatlong uri ng bagay o magkakaibang kategorya (e.g., 100 pieces of soap, 50 pieces of lotion, 60 t-shirts). Hindi ka maaaring magpadala ng box na iisang uri lamang ang nilalaman.
  4. Ang kabuuang halaga ng iyong mga padala, isang kahon man o limang kahon, ay HINDI dapat lalampas ng ¥200,000.
  5. Ang lahat ng nilalaman ng iyong kahon ay dapat nakasulat bawat isa sa Packing List at dapat ay ideklara ng makatotohanan ang halaga ng bawat item.
  6. Maaaring isama sa Packing List ang copya ng mga resibo ng items, o ipunin muna ang lahat ng resibo para maipadala sa aming warehouse kapag kinailangan.
  7. Kung ang iyong box ay idineklara mo na Personal Effects pero natuklasan ng Japan Customs na naglalaman ng Commercial items, ito ay papatawan ng kaukulang Customs Clearance Fee at karagdagang penalty na ¥10,000.
  8. Kung ikaw ay madalas nagpapadala ng maraming balikbayan boxes, maaaring ireview ng Japan Customs ang iyong mga padala kung hindi ito idedeklara ng tama, kaya makakabuti kung .
Custom Fees based on number of boxes on top of the regular shippping fee.

1 Box       ¥6,300
2 Boxes    ¥7,400
3 Boxes    ¥8500
4 Boxes    ¥9600
5 Boxes    ¥10,700

(Twin Box is counted as 2. )


Wala ka na dapat ipangamba, simulan mo na palakasin ang iyong negosyo kasama ang Kenshin Hako!

KARAGDAGANG KAALAMAN


Basahin ang mga karagdagang impormasyon mula sa Bureau of Customs


What is Balikbayan Box Privilege?


BOC Guidelines on Balikbayan Boxes


PROHIBITED IMPORTATIONS/EXPORTATIONS



KENSHIN HAKO BALIKBAYAN BOX

www.kenshinhako.com


ORDERS and PICK UP

🔸https://kenshinhako.com/jp/requestjp


LEARN MORE 📦

🔸Visit Website: https://www.kenshinhako.com


Message us on

🔸FB: https://m.me/kenshinhako

🔸Viber: viber://pa?chatURI=kenshinhakocs

🔸LINE: https://line.me/R/ti/p/@733qihae


Call Us 📞

JP Landline: +81 50 5846 6350

JP Keitai: +81 80 4806 1112


#KenshinHako #Balikbayan #Box #DoorToDoor #BalikbayanBox #Japan #Pinas #Philippines #Kenshin #Hako #Cargo #DeliveryService #FreightForwarding #Padala #Pasabuy #Pabili




Comments

  1. Pwede Po magtanong Po. Kasi nakaorder na Po Ako ng twin box sa into Po. Pwede ko Po bang kargahan ng mga gamit sound system Po. Gaya ng amplifier mixer at cable wire Po? Salamat Po sa sagot Po.

    ReplyDelete

Post a Comment

Facebook