June 26, 2025 Paalala at Abiso Ukol sa Bagong Proseso ng Bureau of Customs para sa Inspeksyon ng Balikbayan Boxes Mahal naming mga kababayan, Bilang inyong pinagkakatiwalaang partner sa pagpapadala ng inyong mga balikbayan boxes, nais naming ipaalam sa inyo ang mahalagang update hinggil sa mga panibagong patakaran ng Bureau of Customs sa Pilipinas. Kamakailan lamang ay may mga naiulat na insidente kung saan may natuklasang malalaking shipment ng ilegal na droga na itinago sa ilang balikbayan boxes na dumating sa bansa mula sa iba't-ibang bansa. Bilang tugon sa seryosong problemang ito, nagpatupad ang Bureau of Customs ng mas mahigpit at mas detalyadong proseso ng inspeksyon para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng lahat. BOC Memorandum on new Balikbayan Box Inspections Dahil dito, ang bawat balikbayan box ay dadaan ngayon sa mas masusing physical inspection, kabilang na ang posibleng pagbubukas at muling pagsasara nito sa presensya ng awtorisadong tauhan mula sa customs. Layunin...
- Get link
- X
- Other Apps